NAGPA-DRUG test muna ang Kapuso comedian na si Super Tekla bago siya pumirma ng exclusive contract sa GMA 7.
Natanggal sa Wowowin ni Willie Revillame si Tekla ilang buwan na ang nakararaan pero dahil sa magandang performance niya sa ilang shows ng GMA, nagdesisyon na ang network na bigyan siya ng kontrata, “Matagal kong hi-nintay ito. Sobrang patience, talagang nagtiyaga ako.”
“Time will come na ibibigay ni God sa akin. This is it na talagang puwede ko nang i-claim na official at legit na Kapuso na ako, thank you, thank you. I’m so happy, sobrang speechless ako ngayon,” dagdag pa ni Tekla.
Nagpasalamat siyempre si Super Tekla sa mga bossing ng Kapuso Network sa panibagong chance na ibinigay sa kanya kabilang na sina GMA Chairman and CEO Atty. Felipe Gozon, President and COO Gilberto Duavit, Exe-cutive Vice President and CFO Felipe Yalong, SVP for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara at GMA SVP for Entertainment Lilybeth Rasonable.
“Ang aura ko ngayon, sobrang positive talaga, wala nang mga negative. Kailangan positive lang, work, work, work para sa mga Kapuso natin. Pinapangako ko na gagawin ko ang aking best sa tiwalang binigay sa akin ng GMA,” ani Tekla o Romeo Librada sa tunay na buhay.
Inamin na noon ni Tekla na gumamit din siya ng ilegal na droga pero ngayon daw ay malinis na siya, “Talagang voluntary akong nagpa-drug test, to clear. Talagang sobrang certified po, nag-negative na po yung result ko ng drugs and I’m so glad. Sobrang, ‘Thank you Lord, thank you!’ Talagang sobrang negative yung result.”
Hirit pa niya, “This is it, hindi totoo ‘yon. Kaya sabi ko nga, ayoko na ngang magsalita, e. Pero to prove, to clear, para masara na yung haka-haka, wala na po akong drugs sa katawan. Fit to work.”
Napapanood ngayon ang Kapuso comedian sa Sunday PinaSaya, Celebrity Bluff at Sarap Diva. Kilalang-kilala na rin siya ng mga viewers bilang si Lady Yvonne, ang kanang kamay ni Iris (Solenn Heussaff) sa GMA Telebabad series na Alyas Robin Hood 2 na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.
Inamin din ni Super Tekla na pangarap din niyang maging bahagi ng long-running gag show na Bubble Gang.
Speaking of Alyas Robin Hood 2, kilala bilang dancers noon at ngayon, mas hina-ngaan ng mga tao ang swabeng galawan nina Dingdong Dantes at Rochelle Pangilinan para sa isang intense fight scene nila sa nasabing GMA primetime series.
Sa photos na in-upload ni Rochelle sa Instagram, marami sa followers niya ang nag-comment na ginamitan daw nila ng dance moves ng Kapuso Primetime King ang galawang ito kaya mas naging maganda panoorin.
Samantala, after ng emotional scene nina Judy (Jaclyn Jose) at Pepe (Dingdong) kung saan inayawan ng una na sumama sa anak pabalik sa dating buhay, isa na namang intense na action-packed scenes ang dapat abangan sa Alyas Robin Hood.
Kailan kaya matatapos ang gulong ito sa buhay niya? Abangan ang sagot gabi-gabi after Super Ma’am sa GMA.