4 arestado sa droga sa Camarines Sur, kabilang ang nagpakilala umanong pamangkin ng isang Palace exec

NAARESTO ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Camarines Sur ang apat na suspek sa droga, kabilang na ang isa na nagpakilalang pamangkin ni Executive Secretary Salvador Medialdea kung saan nakumpiska ang tinatayang P780,000 halaga ng shabu sa dalawang magkahiwalay na operasyon kagabi.

Sa isang operasyon sa Lendes Tourist Inn sa La Medalla, Baao, Camarines Sur, naaresto ng mga miyembro ng PDEA si Ryan Medialdea, na nagpakilala pang pamangin ng Executive Secretary; Romeo Guevarra alyas Masy o Amang; at Christian Bañaria alyas Chano, sabi ni PDEA Camarines Sur Agent Pongs.

Nakumpiska ng mga otoridad mula kina Medialdea ang P480,000 halaga ng shabu.

Iginiit naman ni Executive secretary Medialdea na hindi niya kilala ang nagpakilalang kanyang pamangkin.

Samantala, sa isang hiwalay na buy-bust operation ng mga elemento ng PDEA, naaresto si Leo Peyra sa kanyang bahay sa Sta. Teresita, Baao, Camarines Sur. Nakumpiska mula kay Peyra ang P300,000 halaga ng shabu.
Kasalukuyang nasa kustodiya ang apat ng PDEA Camarines Sur.

 

Read more...