KAHAPON ng umaga ay nabasa ko sa aking Facebook account ang message ni Chuckie Dreyfuss that Isabel Granada’s mom, Mommy Guapa to many of us, already arrived sa Qatar along with her daughter’s son sa ex-husband nitong si Jericho Genaskey Aguas.
Wala pang update kung ano ang nangyari nang makita na finally ni Mommy Guapa na nakaratay sa Hammad Hospital ang pinakamamahal na anak.
Isabel kasi is still in coma ayon sa ating sources kaya for sure ay wala pang schedule kung kailan ang operasyon nito. Naghihintay pa ang asawa nitong si Arnel Cowley ng abiso mula sa kanilang doktor kung itutuloy pa ba ang operasyon o hindi na.
Isabel’s ex-husband is also fixing his papers sa immigration dahil gusto rin niyang dalawin ang kaniyang estranged wife. Gusto raw nitong tulungan ang dating asawa sa gastusin at ibang pangangailangan sa pagpapagamot kahit matagal na silang hiwalay.
Nakakatuwa naman, that’s admirable naman of Jeryk (palayaw nito). Supposedly ay kasama sana sa biyahe nina Mommy Guapa and Isabel’s elder son ang long-time family friend and publicist nilang si Rommel Placente kaya lang paso na pala ang passport ng ating colleague. Kaya malungkot si Rommel dahil hindi niya madalaw ang baby niyang si Isabel sa Qatar.
Anyway, Isabel still needs our prayers para sa kanyang paggaling. Wala pang update sa kanyang kalagayan though ang sabi ay stable na naman daw ang ibang organs ng kanyang katawan.
Sana nga lang ay hindi ito magkaroon ng komplikasyon dahil anim na beses na pala siyang na-stroke bago na-comatose. Kawawa naman. God bless dear Isabel.
q q q
Ito namang cheap at laos na starlet na si Robby Tarroza ay walang-wawang nagtaray daw sa Facebook at binanatan si Nanay Cristy Fermin (at dinamay pa ako ng hitad na ito na puro dakdak pero duwag naman) at pinagbintangang nagbalita raw si Nay Cristy na patay na si Isabel.
Magaling gumawa ng kabobohang kuwento ang Robbie na ito na kawawa naman dahil hindi na siya puwedeng makaapak sa Pilipinas dahil na-deport na siya – ni hindi nga niya narinig ang sinabi ni Nay Cristy sa program nito nang ibalita niya ang pagka-hospital ni Isabel tapos kay lakas ng loob na magtaray.
Sana raw ay kami na lang ni Nay Cristy ang namatay. The nerve, di ba? Ha! Ha! Ha! Lakas ng tama, di ba? Don’t worry, sa kanya babalik ang sinabi niyang ito. God forbid!
Napakayabang ng baklang ‘to, kung ipangalandakan niya na sobrang yaman na raw ng family niya and he drives a sportscar kaya di niya kailangan ang showbiz para mabuhay.
Wow! Alam mo Robbie, ang taong tunay na mayaman ay tahimik lang, hindi ipinagmamakaingay ang fortune nila. Kasi nga, takot silang ma-kidnap or what. Kaya nakakatawa ka nu’ng ipagsigawan mo sa buong mundo that you are so rich – malamang na isa kang con artist kaya sobrang ingay mo.
Pasosyal, eh balahura naman ang bibig at utak mo. Kakaawa ka naman. Actually, naaliw lang ako sa ka-cheapan mo kaya isinulat ko ito – hindi ka naman actually kapatol-patol. Pinagtripan lang kita para makilala ka nang lubusan ng mga tao .
Kasi nga, hopeless case na ang taong ito, never na siyang makabalik sa Pinas dahil ang balita ko may pending warrant of arrest daw sa kanya rito. Ha! Ha! Ha!
q q q
We had so much fun nang mag-guest sa “Showbuzz” program namin ni Papa Ahwel Paz ang mga superstars ng ’60s na sina Ms. Divina Valencia and Sir Roger Calvin. Wala si Papa Ahwel that day kaya ang nakasama kong nag-interbyu sa dalawa ay si Roel Villacorta.
Sa New York na pala talaga naka-base si Sir Roger with his unica hija Cher Calvin, a 6-time Emmy awardee as prime anchor ng Good Morning America. 28 years old pa lang siya nung mag-semi retire sa showbiz and settled down with a beautiful Bulakenya, ang mom ni Cher.
“Biyudo na kasi ako ngayon and have retired from work sa States kaya puwede na akong tumagal dito sa Pinas and pag may works na available sa showbiz, puwede na siguro akong mag-comeback.
“Meron na actually akong offer pero babalik muna ako sa States soon then pagbalik tsaka na lang ako lalabas ulit sa TV or movies,” ani Sir Roger.
Si Ms. Divina Valencia naman ay napapanood natin once in a while sa TV and movies. The last major appearance nito sa TV was with Be Careful With My Heart kung saan pinag-usapan din talaga ang character niya as Mamang, remember?