Iñigo nabidyuhan habang nasa CR: Ang bastos!

NAG-POST si Iñigo Pascual sa kanyang Twitter account ng mensahe para sa isang lalaking nag-video sa kanya habang nasa loob ng comfort room. Hindi naman binanggit ni Inigo kung bading ba ang nasabing guy.

Tweet ng binata, “Yung patago kang vivideong kunwari may kausap sa phone. Tas naka-on yung flash.. Galing! Habang nasa banyo pa. Privacy naman minsan. Nakakatawa at nakakapikon yung isang tumabi sakin sa urinal, KUYA NAKAON YUNG FLASH MO. Kunwari ka pa may kausap sa phone. Bastos!”

 

Read more...