Cogie Domingo arestado sa droga

INARESTO ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang aktor na si Cogie Domingo sa isinagawang illegal-drug operation Biyernes.

Hindi pa idineklara ng PDEA-Region IV-A  kung anong partikular na droga at kung gaano karami ang nakuha sa aktor.

Ayon kay PDEA Public Information Director Derrick Arnold Carreon, nadakip si Domingo Biyernes ng umaga habang nagsasagawa ng followup drug operation ang grupo.

Nakilala si Domingo, 32,  sa kanyang role sa teen series na “Click”, isang weekly afternoon show sa GMA.

 

Read more...