DEAR Ateng Beth,
Ako po si Stacy ng Bulacan. Need ko po ng advice ninyo. May boyfriend po ako. Mabait siya, maalaga, mapagmahal, stick to one.
Sigurado talaga akong ako lang ang babae sa buhay niya. Pero sa edad namin na bata at nag-aaral pa, tama bang ibigay ko na sa kanya ang buong-buong AKO?
Need your advice, ateng. Mahal na mahal ko siya at gusto ko siyang mapasaya pero tama ba ang gagawin ko? Ano bang dapat kong gawin?
Stacy, Bulacan.
Dear Stacy,
So, kapag mabait, maalaga, mapagmahal at stick to one, ibibigay na natin lahat sa kanya?! Ganon ba talaga ang gusto mo?
Hindi ba yung nanay at tatay mo, I assume at kung titingnan mo lang namabuti, ay mababait mapagmahal at stick to one din sa iyo kahit pa marami kayong magkakapatid. Bakit kaya hindi mo muna ibigay sa kanila ang buong ikaw sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti at pagiging mabuting anak sa kanila? Hindi kung ano-anong paglalandi ang iniisip mo. Kay bata-bata mo ay ganya na ang iniisip mo.
Matanong ko nga, naisip mo ba ang mga consequences na pwede mong harapin sa sandaling you totally give yourself to him?
Alam mo palang bata ka pa, tapos aalembong na agad nang bongang bongga!
Naku Stacy, ‘yang ganyan iha binibigay sa tamang edad at sa tamang panahon, at kapag kasal na kayo!
Ikaw lang ang babae sa buhay niya kamo? E, kung makahanap ka ng ibang lalaki na mas mabuti kaysa sa kanya, paano na?
At paano rin kung makahanap siya ng iba na sa tingin niya ay higit pa sa iyo? E, di lalong kaawa-awa ang sasapitin mo.
Ang mabuti mong gawin Stacy ay mag-aral kang mabuti, paunlarin ang iyong personalidad para na rin sa iyong kinabukasan.
Mas may future ang isang gaya mo kung pag-aaral muna ang inaatupag at may pangarap na mapaganda ang buhay.
Pero kung hindi ka makatiis at talagang willing ka nang isuko ang bandera mo, ay naku, ineng sige humayo ka pero dapat handa ka sa magiging mga consequences mo.