UPANG makatanggap ng tulong-pangkabuhayan mula sa pamahalaan, kinakailangang magpa-rehistro sa DOLE Integrated Livelihood Program (DILP).
Marami g klase ng tulong ang maaaring matanggap mula sa pamahalaan ngunit kinakailangan na magpa-akredito muna sila.
Nilalayon ng DILP na palakasin ang mahihirap at marginalized na manggagawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong para sa capacity building at proyektong pangkabuhayan, ito man ay indibidwal o grupo.
Ang Sapatero Movement, na binubuo ng mga lokal na sapatero ng Marikina, ay tumutulong na palakasin ang mga manggagawa na muling buhayin ang industriya ng sapatos ng bansa.
Hinihikayat ang organisasyon na mag-rehistro at magpa-akredit sa DOLE upang maging kwalipikado para sa tulong na magmumula sa pondo ng DILP, para muling mapalakas ang kanilang negosyo na paggawa ng sapatos.
Upang mapabilang sa DILP, kailangang magsumite ang organisasyon ng kumpletong dokumento at application form sa pinakamalapit na DOLE Regional/Provincial/Field Offices sa kanilang lugar.
Sa ilalim ng DILP, ang aplikanteng organisasyon na magiging kwalipikado para makatanggap ng pondo ay kinakategorya bilang micro-livelihood, small livelihood, at medium livelihood.
Sa ilalim ng micro-livelihood, ang organisasyon na binubuo ng 15 hanggang 25 miyembro ay maaaring makatanggap ng tulong-pinansiyal na P250,000.00.
may 26 hanggang 50 miyembro ay maaaring makatanggap ng tulong-pinansiyal na P500,000.00, para sa Small Livelihood; ang organisasyon na binubuo ng mahigit na 50 miyembro ay maaaring makatanggap ng tulong-pinansiyal na aabot ng P1,000,000.00.
Tumutulong din ang DILP para sa mga indibidwal na proyekto, kung saan ang kwalipikadong benepisaryo ay maaaring makatanggap ng Starter Kit o Negosyo sa Kariton (Nego-Kart) at tulong-pinansiyal na P20,000.00.
Usec Joel
Maglunsod
DOLE
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.