Vilma, Roderick nagkaroon ng matinding away dahil kay Maricel; 1 year di nag-usap

By Ervin Santiago October 27,2017
share this

Vilma, Roderick nagkaroon ng matinding away dahil kay Maricel; 1 year di nag-usap

By Ervin Santiago October 27,2017
share this

RODERICK PAULATE AT VILMA SANTOS

INAMIN ng mag-BFF na sina Vilma Santos at Roderick Paulate na nagkaroon sila noon ng matinding away nang dahil kay Maricel Soriano.

Sa birthday special na ibinigay ng Magandang Buhay kay Ate Vi kahapon, nagsilbing special guest si Kuya Dick. Dito ikinuwento ng dalawa na mahigit isang taon din silang nagdedmahan dahil sa isang isyu na may konek kay Maria na kaibigan din nila.

“There was a fair or performance na parang mas kinampihan niya si Maria. Kinompronta ko siya. ‘Sino ba talaga ang gusto mo? Sino ba talaga, Dick?'” ang pag-amin ng Star For All Seasons.

“Talagang nagsigawan kami. ‘Bakit ka ganyan? Napaka-insecure mo. Ganito, ganyan lang naman ‘yon.’ Basta nag-away kami. More than a year hindi kami nag-usap,” kuwento pa ni Ate Vi.

Sey ni Roderick, siya rin ang unang gumawa ng paraan para magkabati sila, “Hindi ito magre-reach out sa akin, ang tapang nito. Alam mo ba nagtiis ako ng tatlong oras na ipasok sa karton.

“Kasi birthday niya sa Araneta Coliseum, ikinulong ako (sa kahon) kasi kailangan di makita ni Vilma. Dinala ‘yung box sa Araneta. Tinanong niya, ‘Ano ito?’ Tapos binuksan, ako ang lumabas,” ani uya Dick.

“Ginawa ko ‘yon sa TV. Kinantahan ko siya tapos nagyakapan kami doon. Hindi ko tinapos doon kasi show ‘yon. Bumaba ako nagpunta ako ng dressing room niya, tapos nag-sorry ako sa kanya,” dagdag pa ng award-winning actor.

Bilang birthday gift, binigyan ni Roderick si Ate Vi ng panyo at bracelet, “Yung isang regalo panyo ‘yon para may pang-punas siya. Ito (bracelet) parang renewal of our friendship. Gusto ko isuot mo lang ‘yan.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending