PETMALU ang sexy video ni Albie Casino na briefs lang ang suot kaugnay ng clothing apparel kung saan isa siya sa modelo.
Hunk na kasi ang dating ni Albie kaya yummy at delicious na ang image niya ngayon. May sigla na rin kasi ang career niya at lovelife kaya halatang inspired ang aktor.
Siguradong mas maraming magpapantasyang beki kay Albie dahil sa ginawa niyang sexy video. Okay lang din naman sa aktor na pagnasahan siya ng mga bading, ibig sabihin lang niyan, talagang isa na siyang certified hunk!
May tumawag pa nga kay Albie na “exhibitionist” dahil sa hilig niyang magpakita ng hubad na katawan sa kanyang mga Instagram photos, lalo na kapag nasa gym siya at nagwo-workout.
Sa isang bago ring modelo ng underwear ng kumpanya, first time namang magpakuha ng naka-underwear lang si Marco Gumabao. Nagpasintabi muna siya dahil hindi pa masyadong hulmado ang kanyang katawan.
Pero nangako si Marco na pagdating ng totoong rampahan eh, tatanggalin na niya ang kanyang baby fats, huh!
May nagkomento naman na okay lang ang katawan ni Marco ngayon, hindi OA sa laki.