“Iyung nga maingay na palaiyot, alam mo ang problema sa kanila hanggang ingay lang, wala namang napatunayan.
Kung tatanungin mo iyung kanilang mga prime minister, mga presidente, iyung talagang namamahala sa kanilang mga bansa pati sila sumusuporta kay President Duterte,” sabi ni Andanar sa kanyang talumpati sa isang pagtitipon sa England na naka-post sa Youtube.
Ang palaiyot ay isang Visayan word na nangangahulugan sa ingles ng “lecherous, given to excessive indulgence in sexual activity.”
Ipinagtanggol naman ni Andanar ang kanyang pahayag sa pagsasabing ito ay isang komento lamang.
“It was a comment made amongst dds friends in jest. I was referring to organizations in Europe criticizing PRRD. Ablan and I are attending a two day conference called ‘Making All Voices Count, Policy and Practice Dialogue’ in Brighton,” giit ni Duterte.
MOST READ
LATEST STORIES