Makapaga-abroad ba? | Bandera

Makapaga-abroad ba?

Joseph Greenfield - October 25, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Jillian ng San Vicente, Liloan, Metro Cebu

Dear Sir Greenfield,

Lima po kaming magkakapatid at ako ang panganay. Ulila na kami sa ina at ang tatay naman namin ay walang trabaho. Mula nang mamatay ang nanay namin dahil sa sakit ay wala nang ginawa ang aming tatay kundi ang maglasing hanggang sa natanggal siya sa trabaho. Sa ngayon, ako na lang ang inaasahan ng mga kapatid ko. Tindera ako sa palengke. Ngayon ay nag-aaplay ako sa abroad kahit DH lang dahil hindi naman ako nakatuntong ng kolehiyo. Naisipan kong kumunsulta sa inyo upang itanong kung may pag-asa ba akong makapangibang-bansa at kung matutuloy ako magiging maganda naman kaya ang kalagayan ko sa ibang bansa at mabibigyan ko kaya ng magandang kinabukasan ang mga kapatid ko na nakababata sa akin? August 19, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Jillian ng Metro Cebu
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kitang-kita at sadyang kapansin-pansin ang malawak at malinaw na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na basta’t wag ka lang tumigil sa pag-aaplay, sa taon ding ito o kaya’y sa susunod na taon, masasapol mo rin ang suwerte – may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.
Cartomancy:
Eight of Diamonds, Five of Diamonds at Queen of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.) Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng isang babae na dati mo ng kakilala, sa taon ding ito ng 2017 pinakamatagal na sa unang quarter ng taong 2018, matutupad ang iyong pangarap— makapaga-abroad ka.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending