CERTIFIED best seller na sa National Bookstore ang book ni Maine Mendoza na “Yup, I Am That Girl.”
Kahanay nito ang iba pang mabentang libro kagaya ng “The Subtle Art Of not Giving” at “Turtles All The Way Down.”
Magaganap naman this wek ang book launching at signing ng libro ni Maine sa Trinoma Mall. Imagine, bagong labas lang ang book pero hataw na agad sa bentahan, huh!
Kahapon ay second year ng staging ng Tamang Panahon sa Philippine Arena. Nanguna si Meng sa pag-aalala sa phenomenal na event na ito sa kayang showbiz career via Twitter.
“Hayyyy. Happy Tamang Panahon anniversary!” ang tweet ni Meng.
q q q
Matatapos na ang pananabik ng televiewers sa pagpapalabas sa free TV ng Korean blockbuster movie na “Train To Busan.”
Ang GMA Network ang nakadyakpat sa TV rights nito at ang Tagalized version nito ay mapapanood na ngayong Ok. 29 sa GMA Blockbusters.
Binigyang boses ni Dennis Trillo ang bidang si Gong Yoo. After ipalabas ng “TTB”, dumami ang fans ng Korean actor sa bansa at isa na riyan si Anne Curtis.
Para naman kay Dennis, kakaibang experience ang naramdaman niya noong pinanood ang movie kasama ang mga kaibigan.
“Talagang naiyak ako doon noong pinapanood ko siya kasi napakaganda ng pelikula at ang galing-galing talaga ng pagkakagawa,” saad ni Dennis.
Swak na swak ang pagpalabas ng “Train To Busan” ng GMA sa free TV ngayon darating na Halloween.