Retokado at maangas na personalidad hindi pa man sumisikat bagsak na agad

SINASABI na nga ba. Uso lang ang retokadong bagitong personalidad. At kapag uso ay pinag-uusapan, paboritong pinagpipistahan, pero pagkatapos nu’n ay ano na?

Lumilipas ang uso, napapalitan, kaya ang uso ay biglang naglalaho. Tulad din ng maangas at hambog na retokadong lalaking personalidad na ngayon ay hindi na masyadong binibigyan ng atensiyon ng mga netizens.

Maglumuhod man ngayon sa panghihingi ng tawad ang retokadong bagito ay wala nang maniniwala pa sa kanya, magsisigaw man ngayon ang maangas na retokado ay wala nang makakarinig sa kanya, ganu’n talaga ang kauuwian ng hambog na ilusyunado.

Pero ang pinagtripan nitong lait-laiting si Kathryn Bernardo ay hindi pa rin natitinag sa kanyang posisyon, silkat na sikat pa rin, patuloy na sinusuportahan ng kanyang mga tagahanga na handa siyang ilaban ng patayan.

Malakas pa rin ang kanyang puwersa, ang dahilan kung bakit mataas ang rating ng pinagbibidahan nilang serye ni Daniel Padilla na La Luna Sangre, maningning pa rin ang career ng KathNiel pero ang retokadong bagito ay waley na.

Walang artistang puwedeng magtagal sa negatibong sitwasyon. Hindi totoo ang kasabihan na good or bad, ang nasusulat tungkol sa artista ay publisidad pa rin, depende ‘yun kung imbento lang ang nasusulat o totoong-totoo.

Read more...