Beki kay Paulo: Tsalap mo! Akin ka na lang!

PAULO AVELINO

Patuloy na umaani ng papuri sina Paulo Avelino, Ritz Azul at Ejay Falcon sa isa pang afternoon serye ng ABS-CBN na The Promise Of Forever.

Nananatili pa rin ito sa Top 20 TV show sa buong bansa kaya naman mas ginaganahan pa ang lahat ng members ng cast at production sa kanilang trabaho. Sey nga ni Paulo, napakasarap magtrabaho kapag alam nilan naa-appreciate ng mga manonood ang kanilang pinaghihirapan.

“Kahit napakahirap ng mga eksena namin, kahit late na kaming natatapos minsan sa taping, hindi mo mapi-feel ang pagod dahil alam mo na nagugustuhan ng mga tao, ‘yun naman talaga ang objective namin, ang mapasaya at ma-entertain ang viewers,” sey ni Paulo.

Komento nga ng isang netizen, “Nadadala ako sa mga drama moments nina Nicolas (Paulo) at Sophia (Ritz), nakakadala kapag nag-iiyakan na sila. Feeling mo katabi ka lang nila sa eksena. Congrats Dreamscape! Kayo na talaga!”

Sey ng isang nagpapantasya kay Paulo, “Papa Pau pwede bang sa akin ka na lang! Mas magaling at mas maganda ako kay Sophia no! Tanggap ko kahit matandang-matanda ka na! Tsalap mo!”

Read more...