Vice Ganda pinatunayang reyna ng Araneta; bentang-benta ang ‘tali joke’ ng mga bading

WATCHED Vice Ganda’s Vice’s Cosmetic Launch Concert at the Araneta Coliseum.

Pinatunayan ni Vice na siya talaga ang reyna dahil napuno niya muli ang Araneta. Kaloka ang spiels niya about beauty. Lahat naman ay sinang-ayunan ng audience lalo na noong sinabi niyang ang ganda should be gender-less.

Ang sexy ng hitad sa kanyang opening number. After that, nag-banter na sila ni Wacky Kiray na nasa audience. Naloka ang mga tao sa kanilang jokes, lalo na ang tungkol sa pagtatali ng private part ng mga bading.

Enter Maymay Entrata. Sobrang tilian ang fans. Mala-futuristic ang outfit nitong silver na humataw sa kanyang “Born This Way” prod number.

Hindi rin nagpakabog si Kisses Delavin who was very dainty in her pink bustier gown. Masigabong palakpakan din ang tinanggap niya.

Then voluptuous singers Frenchie Dy and Bituin Escalante who were clad in black dress with matching denim over-size jacket.

Dalawang beses nag-change outfit si Vice, one was the sexy red outfit at isa naman ay white gown.

Read more...