Winwyn Marquez inirampa ang kaseksihan sa Bolivia

SUMABAK  agad sa swimsuit competition si Winwyn Marquez sa unang araw niya sa Bolivia para sa Miss. Reinahispanoamericana.

Unang naglabasan ang suot niyang two-piece gray bikini. “Will it be easy? NOPE. Worth it? ABSOLUTELY. DAY 1!” post ni Win.

Sa isa pang picture, one-piece white swimsuit naman ang suot ng ating panlaban at nakipagsabayan siya kapwa kandidata na sina Miss Nicaragua at Miss Paraguay, huh!

Sa Nov. 4 ang coronation night ng Miss ReinahispanoAmericana at ipagdasal nating manalo si Wynwin!

q q q

Umeskapo ang pamilya ni Dingdong Dantes nitong nakaraang weekend para magpakaligaya sa The Farm sa San Benito, Lipa, Batangas.

Siyempre pa, kasama ni Dong ang two girls niyang si Marian at Zia. Kaya naman muling lumabas ang pagiging fotog ng bida ng Alyas Robin Hood sa mag-ina habang nagsu-swimming sa pool.

Tawag nga nina Dong at Yan kay Zia sa murang edad ay Little Miss Philippines, huh!

Read more...