SA dami ng napinsalang gusali sa Marawi city, imposibleng sabihing maibabalik ito sa dating hitsura. Sabi nga ni urban planner, Felino Palafox Jr. aabutin ito ng 70 taon.
Bukod dito, napakasama ng track record ng gobyerno sa rebuilding efforts, tingnan na lamang ang Zamboanga city rehabi-litation at Yolanda ni ex- President Noynoy Aquino. Pinagkakitaan lang, puro lip-service pa at napakabagal.
Dito sa Marawi city, pagkakataon ni Duterte na magpakitang-gilas upang gawing world-class, tourism oriented, at economically viable ang “Islamic city of the South”. Lalo pa’t may master plan, tutulong dito ang mga Arab countries, Amerika, Australia, China, Russia, Japan, European Union at mga Western countries.
Una, prayoridad da-pat ang immediate needs ng mga tao tulad ng pagkain, medisina at pabahay.
Ikalawa, palakasin ang industriya at agrikultura, pagtatayo ng pabrika, at magpautang ng maliit o walang interes sa mga negosyante.
Ikatlo, pabilisin din ang Internet para bumilis ang transaksyon ng komunikasyon at negosyo.
Dahil dito, lalakas din ang kalakalan ng Marawi sa buong bansa at maging sa Arab nations at iba pa.
Ikaapat, ang pagtayo ng makabagong Marawi city na sentro ng relihi-yon, kultura at ganda ng Muslim Mindanao. Mas kailangan ngayon ay malawakang pagbabago ng “zoning” kasama ang disenyo ng mga kalye at kabahayan sa ilalim ng rehabilitasyon.
Maluluwag na mga kalye, railroads, riverports at mga modernong tulay.
Sa totoo lang, wala nang babalikang mga gusali ang higit 200,000 residente rito, dahil wasak na wasak lalo na sa commercial area. At ang planong rehabilitasyon ng gobyerno ang binabantayan ng tao.
Naalala ko yung ginawa ni Eugene Haussmann, ang “prefect” o gobernador na kinuha ni French leader Napoleon Bonaparte para linisin at baguhin ang madilim at pangit na city of Paris noong 1848-1852.
Gumawa sila ng malalaking kalye, east to west, north to south at lahat ng lupa na apektado ay binayaran ng gobyerno ng “expropriation”. Nagtayo ng malalaking boulevards, plaza, central market, magagandang tulay at mga public buildings sa gilid nito.
Ayon kay urban planner Palafox, mungkahi nilang magtayo ng esplanade walks, parks, gardens sa itatayong waterfront area sa Agus ri-ver at Lake Lanao. Sa ngayon, binubuo ang “master plan” ng Lanao del Sur officials, at mga government agencies Kabilang dito ang pagtatayo ng residential area, schools, public market, parks at commercial district.
Sa ngayon, halos imposible ang “reconstruction” ng mga nawasak nilang bahay. Kaysa i-repair ng isa-isa, mas mabuting planuhin ang kabuuan, wasakin ang di pakikinabangan, maglatag ng malalaking kalye at ilagay sa pwesto ang mga sentro ng ekonomya, kultura, edukas-yon, ospital, public buildings at mga mosque o simbahan.
Tulad ng Paris, maraming nagreklamo sa una pero sa kabuuan at kinalaunan, buong lungsod at France ang nakinabang. Nangyari ito dahil sa panahon ng diktador na si Napoleon Bonaparte III, pero kahit nang siya’y ma-patalsik, itinuloy ng kanyang mga kalaban ng “buo” ang kanyang mga plano sa ngayo’y napa-kaganda ng Lungsod.
Dito, kailangan ng “political will” ni Duterte. Tamang-tama ang panahon, lalot may martial law pa sa buong Mindanao. Ibangon ang mas maganda at modernong Marawi City.
Marawi gawing modernong Islamic city
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...