Reporter arestado matapos mahulihan ng baril sa hotel ng mga guest ng Asean summit

ARESTADO ang isang lalaki na nagpakilalang freelance journalist matapos mahulihan ng hindi lisensiyadong baril sa loob ng Sofitel Philippine Plaza Manila hotel, isang five-star hotel sa Pasay kung saan tumutuloy ang mga delegado para sa 31st Asean Summit and Related Meeting.
Inaresto ng mga pulis si Jeffrey Datuin sa lobby ng hotel, na nasa loob ng CCP Complex, ganap na alas-3 ng hapon noong Sabado matapos ma-detect ng mga security personnel sa X-ray scanning machine ang isang paltik na .22-cal. revolver.
Nang patigilin siya ng mga pulis na bahagi ng Asean security, boluntaryong inilabas ng suspek ang berdeng canister na may lamang revolver at walong bala sa loob ng kanyang babackpack.
Sinabi ni PO1 Adrian Jack Araneta, isang miyembro ng Makati City Police Station, na sinabi ng suspek na hindi niya alam kung paano napunta ang baril sa kanyang bag.
Idinagdag ni Araneta na sinabi ng suspek na ibinigay ng kanyang tiyuhin ang baril sa kanyang tatay.
Hindi naman nakapagpakita si Datuin ng mga dokumento ng revolver, na walang no serial number.
Ani Araneta, sinamahan ni Datuin ang kanyang girlfriend na nanumpa bilang lisensiyadong doktor sa kalapit na Philippine Internation Convention Center (PICC), sa loob ng CCP Complex, kung saan naka-check in sa hotel ang pamilya nito.
Sinabi ni Araneta na “disaster” kung nagawa ng suspek na maipasok ang baril sa loob kuung saan ginaganap ang ang mga aktibidad para sa Asean summit.
Aniya, 28 foreign minister ang nasa hotel.
Idinagdag ni Araneta na nagpakilala si Datuin na 24-anyos na journalist na nagtatrabaho bilang freelance para sa Net 25 TV station at isang volunteer na bumbero.
Nakakulong si Datuin sa Pasay City Police Station, na nahaharap sa kasong Comprehensive Law on Firearms and Ammunition (Republic Act No. 10591).

Reply Reply to All

Read more...