Mommy ni Kathryn saludo sa katapangan ng KathNiel fans

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

NAPAKASWERTE ni Kathryn Bernardo sa pagkakaroon ng mga tagasuportang hindi masusukat ang pagmamahal sa kanya. Matindi ang malasakit sa young actress ng kanyang mga tagahanga, hindi makapapayag ang grupo na saktan siya ng kahit sino, lalo na ng mga taong walang karapatan.

Minsan pang ipinaramdam ng tropa ang pagmamahal nila kay Kathryn, parang ikinulong nila sa malaking hawla ang batang aktres para proteksiyunan, kaya ganu’n na lang ang pasasalamat ni Mommy Min.

Nakilala na namin nang personal ang mga opisyales at miyembro ng KDKN Solidarity Community, Inc., dinalaw kami nu’ng minsan sa radyo nina Chi Sangil, Marilyn Santos, Cristina Escalante at Teresa Nakpil, kasama nilang namasyal sa “CFM” ang anak-anakan naming si Ogie Narvaez Rodriguez.

Nu’ng nakaraang linggo naman ay nakatanggap kami ng bulaklak at regalo mula kay Ate Vi ng KathNails, nakatataba ng pusong basahin ang kakambal na note ni Ate Vi, dahil ramdam na ramdam namin ang sinsero nitong pasasalamat sa pagmamahal na ibinibigay namin sa kanilang mga idolo.

Masarap mahalin sina Daniel Padilla at Kathryn dahil nasasaksihan namin ang matindi nilang pagpapahalaga sa kanilang mga tagahanga. Bibihirang personalidad lang ang gumagawa ng ganu’n kasarap na pagbabalik ng pagmamahal sa mga kababayan nating tumatangkilik sa kanila.

Read more...