DIET, PIOLO di nagpasilaw sa pera, ayaw maakusahan ng walang utang na loob


PUMIRMANG muli ng exclusive contract ang dalawa sa mga pinakasikat at very loyal sa Kapamilya network na sina Piolo Pascual at Diether Ocampo. Kung ilang beses natsismis na inalok ng ibang istasyon sina Piolo at Diet pero ‘di sila nasilaw.
At sakto naman na magkasama sila ngayon sa iisang show, ang top-rating teleserye sa gabi ng ABS-CBN na Apoy sa Dagat.

“This not just about the job but it is also about having a home and doing something worthwhile,” sabi ni Piolo. Habang si Diet naman ay isa sa mga original Star Magic talents simula pa noong 1995 ay happy sa pananatili niya sa kanyang second home.
“Very symbolic ang event na ‘to sa akin.

Hindi ko na rin mabilang kung ilang taon na ako sa showbiz. Very thankful din ako to the people behind my career,” pahayag ni Diet.Hindi lang sa career halos nagkakatugma sina Piolo at Diet, maging sa kani-kanilang personal life rin. Parehong may mga anak na lalaki na ang dalawa pero patuloy pa ring tinitilian ng mga kababaihan especially now na kapwa walang official girl na dini-date sina Piolo at Diet.

Part of their last contract sa ABS-CBN ang teleserye nila na Apoy sa Dagat kung saan leading lady nila ang dalawang Angelica Panganiban na hanggang ngayon ay patindi pa rin nang patindi ang mga eksena. Kaya naman patuloy na umaarangkada sa ratings ang programa na nakakuha ng  18.5% na ratings mula sa Kantar Media noong Lunes (June 10).

Tutukan ang marami pang makapigil-hiningang tagpo sa Apoy sa Dagat lalo na’t tumigil na sa pagpapanggap ang isa sa kambal na si Serena dahil sumuko na si Diet bilang si Anton sa serye. Abangan kung ano ang gagawin ni Angel Aquino (Adriana) para matakasan ang paghihiganti sa kanya ni Aiko Melendez (Odessa) at Angelica.

Read more...