Para sa may kaarawan ngayon: Isang malaking sorpresang ang darating may kaugnayan sa salapi. Kapag maraming pera kailangang matututong magtipid upang hindi na uli kapusin. Sa pag-ibig, tuloy ang agos ng ligaya habang kadikit ang kasuyong Libra. Mapalad ang 4, 13, 22, 32, 42 at 45. Mahiga mong mantra: “Abra-Ka-Dabra.” Red at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — ‘Wag regaluhan ng mamahaling bagay ang kasuyo, ang mas mahalaga iyong kayong dalawa lang sa tahimik na lugar. Sa pinansyal, tandaang ang nagagawa ng pag-ibig ay hindi kayang gawin ng pera. Mapalad ang 2, 11, 25, 29, 33 at 34. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Green at violet ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Maraming lihim na naiinggit sa iyo at nagtatangkang ikaw ay siraan. Maging matatag! Darating ang panahong iisa lang ang magiging kakampi mo – ang kasuyong Scorpio. Sa pinansyal, laging ipriority ang mga bagay na may kaugnayan sa salapi. Mapalad ang 7, 14, 23, 28, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yara-Salve-Me-Om”. Red at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — ‘Wag nang magplano ng kung ano-anong bagay. Mas magiging exciting ang relasyon sa biglaan at hindi pinaghandaang romansa. Sa pinansyal, bigla ang dating ng pera, pero bigla ding mauubos – magtipid! Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Namo-Om.” Magenta at white ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Hindi masamang sumunod sa mungkahi ng iba, kung ito ang ikapapanatag ng iyong kalooban. Sa tulong ng isang dating kakilala, kikita mas malaking halaga. Sa pag-ibig, sundin ang kasuyo upang mapanatag na ang inyong relasyon. Mapalad ang 1, 10, 22, 28, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Beige at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Hindi dapat makipagkumpetensya sa mga kapitbahay. Hindi nakakatulong ang pagmamayabang upang umunlad. Sabihin sa kasuyo, “Wag kang mainggit sa mga kapitbahay, magkakaroon din tayo nyan!” Mapalad ang 4, 13, 21, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Taph-Harath.” Yellow at blue ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Konsentrasyon ang susi para magtagumpay. Hindi dapat pagsabaysabayin ang mga negosyong naiisip, mag-concentrate sa produktong pagkain. Sa pag-ibig, isa-isa lang dapat ang karelasyon upang magpatuloy ang ligaya. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Katha-Upanisad-Om”. Silver at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Mahirap talagang ma-perfect ang isang relasyon, wala naman kasing perpektong tao. Kaya makuntento na lang sa kasalukuyang kasuyo. Sa pinansyal, tuloy ang pag-angat ng kita habang lumalapit ang Kapaskuhan. Mapalad ang 6, 18, 29, 30, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Kaleneha-Mahata-Nastah.” Blue at beige ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Ipayapa ang isipan kahit na maraming problema. Malulusutan mo ring lahat ng iyan. Sa pinansyal, mag-concentrate sa mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, itutok ang atensyon sa isang Gemini. Mapalad ang 6, 9, 21, 29, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Atharva-Abrahma-Arjuna.” Red at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Ang pagiging matapat ang magbibigay ng pag-unlad. Laging maging tapat sa kausap. Sa pag-ibig, tigilan na ang panlilinlang sa kasuyong mabait baka sa bandang huli ikaw naman ang maisahan niya. Mapalad ang 3, 18, 21, 28, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shiva-Om-Durga!” Pink at yellow ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Wag kimkimin ang lungkot na nadarama. Maghanap ng mapagkakatiwalaang kakuwentuhan. Sa pinansyal, ang negatibong damdamin ay magdudulot ng pagkalugi. Sa pag-ibig, panahon na upang ibahagi sa minamahal ang mabibigat na problema. Mapalad ang 4, 10, 19, 28, 35 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Veda-Rata-Vada.” Orange at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Masusolusyunan ang probema kung hindi na uulitin ang dating mga pagkakamali. Sa pinansyal, maging maingat sa pagpili ng kososyo. Sa pag-ibig, ituon na lamang ang pansin sa kasuyong Virgo. Mapalad ang 7, 16, 22, 31, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bis-Vivit-Qui-Bene-Vivit.” White at pink ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Wag isiping mahihirapan kang makahanap ng puhunan sa negosyong noon mo pa binabalak. Sa panahon ding ito kusang may mag-aalok upang masimulan mo na ang nasabing negosyo. Tanggap lang ng tanggap at laging magpasalamat kay Lord. Mapalad ang 1, 7, 19, 28, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We”. Green at yellow ang buenas.
Horoscope October 22, 2017
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...