Liza pinipilit nang mag-Hollywood; mas bagay daw gumanap na Belle sa ‘Beauty & The Beast


Bet na bet ng Fil-Am model na si Kelsey Merritt ang beauty ni Liza Soberano.

She likes Liza to the point of asking kung bakit wala pa ito sa Hollywood.

“Sometimes I’m just really confused why Liza Soberano isn’t in Hollywod yet. Like…She could’ve been a better Belle than Emma Watson. My opinion,” she said in one post on social media.

Marami ang nag-agree sa kanya.

“Oo nga. Sana magtry naman si Liza sa Hollywood.”

“True. Liza should try the audition rounds in Hollywood soon. Who knows. Nothing wrong with trying naman.”

Ang feeling namin, matagal pa mangyayari ang makapasok si Liza sa Hollywood. Parang wala pa siya sa ganoong horizon. She is contented with her career sa Pilipinas.

But who knows? Liza, being a constant figure sa mga Most Beautiful List around the world, could spark interest sa Hollywood producers. Baka isang araw ay may dumating na offer sa kanya to get into Hollywood.

Marami kasi ang nagagandahan kay Liza. Wala kasi siyang pangit na anggulo. Parang siya lang ang artistang ganoon.

Read more...