Ika-10 sunod panalo puntirya ng Ateneo Blue Eagles

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
2 p.m. Adamson vs La Salle
4 p.m. FEU vs Ateneo
Team Standings: Ateneo (9-0); DLSU (7-2); Adamson (6-3); FEU (5-4); UP (4-5); NU (3-6); UE (2-7); UST (0-9)

PILIT na lalapit ang Ateneo de Manila University sa isa sa pinag-aagawang apat na silya sa Final Four sa pagsagupa nito sa Far Eastern University sa tampok na laro ngayon sa UAAP Season 80 men’s basketball sa Smart Araneta Coliseum.

Una munang maghaharap ang De La Salle University at Adamson University ganap na alas-2 ng hapon bago sundan ng sagupaan sa pagitan ng Ateneo at FEU dakong alas-4 ng hapon.

Kapwa nasa unang apat na silya ang Green Archers na nasa ikalawang puwesto sa bitbit na 7-2 kartada habang ang Soaring Falcons ay nasa ikatlong puwesto sa 6-3 record. Huling tinalo ng La Salle ang UP, 85-62, habang binigo ng Adamson ang UE, 66-57.

Huling tinalo ng FEU ang UST, 96-70, para kumapit sa ikaapat na silya sa 5-4 karta habang nasungkit ng Ateneo ang ikasiyam nitong sunod na panalo sa pagpapalasap ng kabiguan sa National University, 82-75.

Read more...