Programa para sa OFW na ayaw nang mag-abroad

ANG nanay ko po ay may limang taon din na nagtrabaho sa Qatar bilang domestic worker. Ang huling pag-uusap namin ang sabi niya ay parang ayaw niya na raw na bumalik pang muli sa Qatar. Sa darating na Disyembre ang nakatakda niyang uwi dito sa Pilipinas. Kung kami po ang tatanunging magkakapatid ay ayaw na sana namin siyang pabalikin pero siyempre gusto pa rin na maniguro ng nanay namin na kapag hndi na siya babalik ay maaari siyang makapagtayo ng sariling negosyo. Maaari po ba siyang makapag loan o ano po ang dapat namin gawin? Gusto po namin malaman kung ano ang programa ng OWWA para sa nanay ko sakaling hindi na nga bumalik sa Qatar. Sana ay matulu-ngan ninyo ako.

Lemuel dela Cruz
blk. 18 lot
35 Gold st.
Maryhomes Subd., Molino, Bacoor, Cavite

 

REPLY: Ang OWWA ay may nakahandang programa para sa mga OFW na nakatapos ng kontrata o ayaw nang bumalik pa sa ibang bansa, at nais na lang mamalagi sa Pilipinas at magtayo ng sariling negosyo sa pamamagitan ng Reintegration Program.

Sa ilalim ng Enhanced Entrepreneurial Development Training (EEDT) ng OWWA, nagkaroon ng Memorandum of Understanding (MOU) ang ahensya at ang Department of Trade and Industry (DTI).

Sa ilalalim ng MOU, ang OWWA at DTI ay magtutulungan para ibahagi sa OFW ang kaalaman sa pagnenegosyo kasama na ang business planning at orientation sa mga skills na may kinalaman sa pagpasok sa negosyo.

Ang mga OFW na nakukumpleto ang EEDT ay magkakaroon ng pagkakataon na makautang ng mula sa P100,000 hanggang P2 milyong sa ilalim ng OFW-Enterprise Development and Loan Program (OFW-EDLP).

Ang EDLP ay pakikipagtulungan at ugnayan sa Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines.

 

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

 

Read more...