NAKAAMBA ang poot ng Diyos laban sa kalapastanganan at kasamaan ng mga naniniil sa katotohanan. Nangatwiran pa silang parang mga tanga at pinagdimlan ang bulag nilang kalooban. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (Rom 1:16-25; Slm 19:2-3, 4-5; Lc 11:37-41) sa paggunita kay San Antioquia.
Mali ang paratang ni Digong na manhid ang simbahang Katolika sa gera kontra droga. Wala pa si Digong sa Malacanang ay lihim nang tumutulong ang simbahan kontra droga. Sa Galilee Home sa Dona Remedios Trinidad, Bulacan, 27 taon nang inaalagaan sa rehab ang mga adik na ibig magbago. Hindi isinasara ang gate nito. Anumang oras sa umaga ay puwedeng pumasok ang adik na ibig magbago – at puwede ring lumabas ang ayaw magbago. Hindi humihingi ng pera sa gobyerno ang Galilee Home.
Mag-ingat si Digong sa kamumura sa mga obispo’t pari sa gera kontra droga. Sa Central Visayas, lalo na sa Cebu, marami ang cerrado Catolico. Noong Okt. 13, 200,000 ang dumalo sa paggunita sa anibersaryo ng huling pagpapakita ng Birhen Fatima kina Lucia, Jacinta at Francisco. Napakataimtim ang pagtitipong ito. Ang dasal ng cerrado Catolico kontra sa pagmumura’t pambabastos ni Digong ay maaaring magtalaga ng parusa ng langit.
Ang Sinulog, Ati-atihan, Biniray(an) at ang malalim na debosyon ng mga Waray kay Santo Nino, hanggang ngayon (at lalong lumalago), ay pagdakila na ang Kristiyanismo at Katolisismo ay piniling dumaong sa Central Visayas; na ang Santo Padre at Vatican ay di makapaniwala na sa bahaging ito ng mundo, milyun-milyon ang sumasamba sa Batang Jesus dahil dininig ang kanilang hiling. Sa Central Visayas, 92% ay Katoliko.
Nakabibinging katahimikan (maling balarila pero tinanggap na, dahil salin sa Ingles) ang sukli nina Noynoy Aquino at mga dilawan sa tagumpay ng AFP at PNP kontra ISIS at Morong terorista sa Marawi. Ginahasa ng Morong terorista ang dalagitang Moro sa harap ng kanyang ina at bulag, bingi at pipi si Chito Gascon. Dapat ka ngang murahin (isama na ang Gabriela) ni Digong.
Tig-72 birhen ang ibibigay ngayon kina Isnilon Hapilon at Omarkhayam Maute dahil sa kanilang pagiging martir. Pero, nauna nang tumanggap ng 72 birhen si Osama Bin Laden, sa kabila ng marami niyang asawa sa lupa. Teka, ano ba ang edad ng mga birhen? 72-anyos na ba yan at birhen pa rin?
Huwag munang sumbatan ang ilang Moro sa pananahimik nito sa pagkilos ng mga terorista sa Marawi. Hindi ipagkakanulo ng karaniwang Moro ang nakita niyang Maute na nag-iimbak ng bala. Una, baka siya patayin. Ikalawa, baka ma-rido ang kanyang pamilya at maubos silang lahat.
Noong Okt. 13 ginunita ang huling pagpapakita ng Mahal na Birhen Maria sa Fatima sandaang taon na ang nakalilipas. Malaking kapistahan ito sa General Roman Calendar. Bago ang pista ay ang novenario. Sa ikawalong novena, ang intensyon ay “Convertion of Terrorists.” Pagkalipas ng 100 taon, nagtagumpay ang terorista sa Marawi.
Sa isang maliit na komunidad sa North Caloocan, lumalaki ang (de facto) shotgun club simula nang ialis ni Digong sa PNP ang direktang kampanya kontra droga. Lisensiyado ang gunholders, tahimik at responsableng mamamayan. Ipagtatanggol na nila ang kanilang pamilya laban sa mga adik na naghahasik ng lagim sa gabi dahil hindi na nila matatawagan ang PCP para humingi ng saklolo. Walang PDEA sa North Caloocan.
PANALANGIN: Iligtas mo ako Yahweh. Wala nang matapat ngayong makikita. Pawang sinungaling sa isa at isa. Pakunwaring lahat ang salita nila. Awit 12:1-2.
MULA sa bayan (0916-5401958): Walang tulong mula sa CHR. Pinatay ang 3 kamag-anak sa gera Marawi. Mahirap lang kami. Di kaya Rido. …8755 Barangay Buadi Sacayo.
babato at pambubulahaw sa gabi ay gawa ng mga lasing sa Harmony Homes, CSJDM. Tumatakbo sila sa Phase 9, BSCC. Bakit walang kampanya kontra lasing? …5421