Marian walang paki kung lumaymay ang boobs sa pagpapadede

MARIAN RIVERA

ISA si Marian Rivera sa mga celebrity mom na pinagpala dahil sa dami ng kanyang breast milk. Kaya naman hanggang ngayon daw ay dumedede pa rin si Baby Zia sa kanya kahit magtu-2 years old na (sa Nov. 23) ang bagets.

“Oo, ang dami ko pang milk at sabi ko kay Zia, pinagpala siya. Kahit ma-deform ang boobs ko, lumaylay siya at lumaki ang nipples ko, okay lang basta para sa anak ko.

“Tanggap ko ang pagbabago ng katawan ko, ang importante sa akin ang anak ko. Nagba-bonding kami ni Zia kapag bini-breastfeed ko siya,” ani Marian nang makachika namin kamakailan sa taping ng fantasy series niya sa GMA na Super Ma’am after 24 Oras.

Kahit daw pagod siya sa taping ng kanilang teleserye ay hindi niya nakakalimutang i-breastfeed si Zia. Bumabawi rin daw siya sa kanyang asawang si Dingdong Dantes kapag wala siyang trabaho.

Tanong nga ng isang reporter kay Marian paano kung kalabitin siya ni Dingdong habang nasa kama sila at humiling ng loving-loving?

“Hindi na niya kailangang humiling pa, dahil gusto ko rin ang hihilingin niya! Give lang nang give!” natatawang tugon ng Kapuso Primetime Queen. Dugtong pa niya, “Ang weird, sex life ang pinag-uusapan natin. Pero okay lang dahil nagri-request na ng baby brother si Zia.”

Ibinalita naman ni Marian na magiging special guest nila sa Super Ma’am bilang isa sa mga kalaban niya ang Australian at Game of Thrones star na si Conan Stevens.

Read more...