‘Bes And The Beshies’ nina Ai Ai at Zsa Zsa mabisang gamot sa hugot

AI AI DELAS ALAS, ZSA ZSA PADILLA AT CARMI MARTIN

NAPANOOD na namin ang bagong movie ni Ai Ai na “Bes And The Beshies” kung saan kasama niya sina Carmi Martin, Beauty Gonzales at Zsa Zsa Padilla.

In fairness, wala talaga kayong gagawin sa loob ng sinehan kundi ang tumawa nang tumawa dahil sa mga kabaliwan at kalokahan ng apat na bida sa movie na idinirek ng award-winning na si Joel Lamangan.

Juice colored! Simula pa lang ay hahagalpak ka na dahil sa mga eksena ni Ai Ai bilang isang “dalagang bukid” na na-in love sa kanyang kabaryo (Allan Paule). Pagkatapos nilang mag-sex ay bigla na lang itong nawala na parang bula.

Fast forward after 17 years, nagkaanak si Ai Ai played by Nikko Natividad na pinagdududahan ang pagkalalaki. Winner na winner sa manonood ang eksena kung saan tine-test ni Ai Ai kung totoong lalaki si Nikko o isang tunay na beki. Kahit nga paglabas namin ng sinehan ay ‘yun ang pinag-uusapan ng ilang nakapanood ng pelikula.

Nakakaloka rin ang palitan ng punchlines nina Ai Ai, Carmi, Beauty at Zsa Zsa, lalo na sa kanilang inuman session at nagkakabukingan na ng kanilang mga lihim. Panalung-panalo ang mga hirit ni Carmi bilang isang kabit na hot na hot pa rin sa kaseksihan at kakinisan.

Agree naman kami sa sinabi ni Zsa Zsa during the presscon of “Bes And The Beshies” na mahirap din ang role niya bilang isang Bisaya na nalosyang dahil sa pagiging dedicated sa kanyang pamilya. Ramdam namin ang effort niya na maging consistent ang akting para mapanindigan ang role na ibinigay sa kanya.

Showing na ang “Bes And The Beshies” sa mga sinehan kaya kung gusto n’yong makalimot pansamantala sa inyong mga problema, watch na!

Read more...