Miss Malabon kinuyog ng Aldub fans: Matakot ka sa karma, huy!

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

MERONG bagong chika kay Alden Richards.

One fan revealed on Twitter na hahabol-habol daw ang binata kay Ms. Malabon na isa sa contestants sa isang pakontes ng noontime show na kinabibilangan ni Alden.

“Aware ka ba Alden sa pinagkakalat ni Miss Patis Malabon, na pinakuha mo daw telephone number kay Mamaten, at love at first sight ka, at ang lakas ng loob ipagkalat na may gusto ka sa kanya (sharia) miss millennial Malabon?

“Dapat magsalita ka para maliwanagan ang mga AND. kawawa naman si Maine Mendoza at nababasa din ng pamilya ni maine na ni-recognize ni tita Jo at sister Riza mo ang convo nila, naku maine maging observant ka dyan kay miss Patis,” one fan tweeted.

Siyempre pa’y nabulabog ang AlDub fans. Kaliwa’t kanang pagsangga ang ginawa nilang pagtatanggol kay Alden laban sa issue. Of course, nadamay na rin si Maine.

“Totoo ba ito? Dapat nga magsalita si Alden o si mama Ten tungkol d2.”

“Alden is not the kind of guy na ‘nagpapakuha’ ng number thru someone else. Kay Maine nga dati, mga nakapaligid na nag ooffer ng number ni M sa kanya but he declined bcoz he said he wants to get her number personally from her. Dun pa lng, alam ng serious sya kay Maine. Alden is not that kind of guy. He respects women & he is a one-woman man.”

“Ako M leaning ako but i don’t think na magagawa ni alden un…wala namang na love at sight (it’s a long process). Hahaha! Assuming lang si girl.”

“Basta ako KAMPANTE na si Maine lang ang babaing pakakasalan ni ALDEN wag ng palakihin p ang issue. Tama na plzz. Focus na lang tau sa telemovie ng mga bibis.”

“Kakahiya namn. Anong akala nyo kay A basta2 manliligaw sa mga starlet! Jusko c Ms Malabon lang yan. Wala pa yan sa kalingkingan ni Maine!”

“FAKE NEWS! Lahat nalang gagawin para masira sina Alden at Maine. Kelan pa kayo titigil? Matakot kayo sa KARMA huy!”

Read more...