Misis ni Dingdong inireklamo ng ilang mga trabahador sa GMA 7

MARIAN RIVERA

MAPAKLA sa panlasa ang nasagap naming tsika tungkol sa work attitude ni Mrs. Dantes na ang umeereng fantaserye sa GMA ay bundat na bundat na sa tone-toneladang alikabok na ipinakakain sa kanila ng katapat na programa ni Coco Martin.

Sinong reliable source pa ba ang pagmumulan ng kuwentong ito kundi sa mga mismong taga-istasyon na nakatrabaho namin noon?

“Kuya Ron, huwag mo na lang kami i-quote pero kung ano ang work ethic ng ‘favorite actress’ mo noong nasa GMA ka pa, eh, siya pa ring work ethic niya ngayon!” bungad ng aming tipster.

“Teka, akala ba namin ay nagbago na siya?” pagkontra namin.

‘‘Yun din ang inakala namin. ‘Di ba, noon meron pa siyang self-titled show, ang madalas ireklamo sa kanya, eh, ‘yung pagpa-pack up niya ng taping kapag wala siya sa mood?

“Kuya Ron, nothing has changed. Kapag bad trip din siya sa kung anumang dahilan, itsurang taping day na ng kanyang serye, eh, bigla-bigla niyang ipapa-pack up ‘yon! Alam ba niya na ginagastusan nang malaki ang bawat taping?”

Kapag sinasabing bad trip o wala sa mood magtrabaho ang isang tao, we often refer to that condition as “bad hair day.” Kunsabagay, masagwa rin naman kasi ang kulut-kulutang buhok niya when she does not transform yet to a superheroine.

Read more...