NAAGAW na ang Marawi City sa kamay ng mga terorista nang napatay ng snipers ng Army Scout Rangers sina Isnilon Hapilon at Omarkhayam Maute.
Dapat nating purihin ang mga sundalo na lumaban sa Marawi.
Pero teka, nasaan ang mga miyembro ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police?
Ang SAF ay bihasa (kuno) sa urban guerrilla warfare na siyang nangyari sa Marawi.
Ang mga SAF ay trained (kuno) sa house-to-house fighting sa lungsod.
Ang mga SAF troopers ay kargado ng mga sophisticated weapons para sa urban warfare o labanan sa siyudad na ibinigay ng US government sa atin.
In fact, ang SAF ay trained ng US Army Special Forces at ng US Navy Seals.
Pero bakit hindi sila ang nasa frontline sa Marawi City kundi ang Army at Marines?
Isa lang ang kasagutan diyan: Ang mga miyembro ng SAF ay mga pulis din.
Ang ating kapulisan ay isa sa pinakawalang disiplina at palpak na pulisya sa buong mundo.
***
Ang pagdisiplina sa mga recruits ng SAF ay naiiba sa pagdisiplina sa mga bagong pasok sa Army Rangers at Philippine Marines.
Hindi puwedeng bigyan ng physical punishment ang mga SAF recruits gaya sa mga Rangers at Marines dahil sila’y hindi raw militar.
Dahil ang pulis ay maituturing na isang sibilyan, iba ang pagdisiplina sa kanila.
Kaya’t maituturing na sila’y “hilaw” na mga commandos na di gaya ng mga nasa Army at Marines.
Ang SAF sana ang equivalent ng Army Rangers at Special Forces o Marine Recon.
Pero dahil sila’y walang disiplina, gaya ng kasamahan nilang mga pulis, hindi sila maituturing na tunay na commando.
***
Pinakita ng SAF ang kawalan ng disiplina sa Mamasapano, Maguindanao kung saan 44 miyembro nito ang nalagas sa raid sa isang lugar na pinagtataguan ng isang international terrorist.
Habang pinapatay ng mga Moro ang kanilang mga kasamahan, ang ibang SAF ay nakaupo lang sa highway at nagdadaldalan.
Wala silang kamalay-malay na kinakatay na ang kanilang mga kasamahan at hindi sila natinag sa mga putok na nanggaling sa lugar kung saan pinapatay ang 44 SAF troopers.
Ang sabi ng mga Army soldiers na nag-reinforce sa Mamasapano, nadatnan nila ang mga SAF na on stand-by na nakahilata sa highway.
***
Marami akong narinig na mga balita na hindi puwedeng ilaban ang SAF sa mga New People Army (NPA) at mga Moro guerillas dahil “malalambot” sila para sa jungle warfare.
Sila’y pang-kriminal lamang. Alam naman natin na hindi naman palaban ang mga kriminal sa siyudad o bayan.
Kasi, trained daw ang mga SAF sa urban guerrilla at hostage-taking.
Isang insidente na nabalitaan ko ay ang pagkatay ng ilang SAF sa Mindoro ilang taon na ang nakararaan.
Isang squad ng SAF na nagpatrolya sa kagubatan ng Mindoro ay nadatnan ang mga babae na naliligo sa sapa.
Ang mga babae ay nakahubad kaya’t lahat ng mga tropa ng SAF ay naligo na rin at iniwan ang kanilang mga armas sa damuhan.
Yun pala ang mga babae ay mga NPA amazon at sila’y mga bitag para sa SAF.
Naging easy picking o target ang mga naliligo na SAF sa ilog.
Hindi mangyayari yun sa Army Ranger at Marine Recon dahil alam nila ang pamamaraan ng mga kalaban.
Kung maliligo man sila sa ilog ay may maiwan na magbabantay.
***
Ang aking mga bodyguards ay mga retired Marines at lahat sila ay napasabak sa Mindanao.
Isa sa kanila ay nagsabi sa akin na noong nasa Basilan operations, pinagsama ang mga SAF at Marines upang tugisin ang mga rebeldeng Moro sa bundok.
Habang naghahanda na ang mga Marines upang umakyat sa bundok, walang ginawa ang mga SAF kundi tumingin lang daw sa kanila.
Nang tinanong ang mga SAF kung sasama sila sa bundok, isa sa mga ito ang nagsabi na hindi sila sanay sa akyatan sa kabundukan.
Hindi raw kaya ng mga SAF na umakyat ng bundok.
Susmaryosep! Bakit pa sila binigyan ng magagarang kagamitang panggera ng US government?
Ibig sabihin, mga inutil sila.