MRT3 2 beses na nagkaaberya ngayong umaga

    Dalawang beses nasira ang Metro Rail Transit Line 3 ngayong umaga.
    Ayon sa Service Status ng MRT 3, unang nasira ang tren ng MRT alas-5:22 ng umaga. Pinababa ang mga pasahero sa Boni station south bound dahil sa technical problem.
    Muling nasira ang isang tren ng MRT alas-8:20 ng umaga ay pinababa ang mga pasahero sa Shaw Boulevard station south bound.
    Ito na ang ikalawang sunod na araw na nasira ang tren ng MRT habang bumibiyahe.

Read more...