Agusan niyanig ng 3.5 lindol

Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 3.5 ang Agusan del Norte kagabi.
    Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-9:19 ng gabi. Ang sentro ng lindol ay 13 kilometro sa silangan ng Jabonga at may lalim na 21 kilometro.
    Naramdaman ang Intensity IV sa Jabonga. Intensity III naman sa Alegria sa Surigao del Norte.

Read more...