Marian kay Cristine: Nakakaawa naman, wala siyang ginawang masama sa akin! | Bandera

Marian kay Cristine: Nakakaawa naman, wala siyang ginawang masama sa akin!

Jun Nardo |October 18,2017
facebook
share this

Marian kay Cristine: Nakakaawa naman, wala siyang ginawang masama sa akin!

Jun Nardo - October 18, 2017 - 12:05 AM

NAGPALIWANAG si Marian Rivera sa kumakalat na tsismis tungkol sa pang-iisnab diumano sa kanya ni Cristine Reyes sa premiere night ng movie ni Dindong Dantes last week.

Bukod tanging siya lang daw kasi ang hindi binati ng aktres na kasama ni Dingdong sa movie, at dinaanan-daanan lang daw siya nito. Umalma tuloy ang ilang fans ni Yan Yan lalo na ‘yung nasa ibang bansa.

“Nagulat nga ako. Sabi nila hindi ako pinansin (ni Cristine)! Hindi totoo! Hinintay niya muna na batiin ang mga boss ng ABS-CBN. Then nakita niya ako. ‘Uy, Yan, kumusta ka na?’ Tapos may sinabi siya sa akin na nagustuhan ko, na natuwa ako. Okey kami,” saad ni Marian nang bisitahin ng press sa taping ng Super Ma’am.

Pinutakti ng bashers si Cristine dahil sa chikang ‘yon. “Na-bash siya? Kawawa naman. Hindi totoo. Pinansin niya ako. Wala namang dahilan para hndi ako pansinin. Okay naman kami.

“Hindi kasi inuna niya ‘yung iba. Ayoko naman ng, ‘Hellloooo! Nandito ako!’ Nakakahiya namang gumanu’n. Saka hindi ko naman movie ‘yon kaya alam ko naman kung saan lumagay! Ang hirap naman nu’n,” paliwanag ni Yan Yan.

Dahil sa pagsasama sa movie nina Dong at Aga Muhlach, nagkaroon sila ng magandang samahan ng asawa ng aktor na si Charlene Gonzales. Hindi pelikula ang gagawin nilang apat kundi may plano raw silang mag-bonding.

Sa taping ni Marian that night, maaga raw siyang makakauwi. May times din kasing madaling-araw na siyang natatapos magtrabaho kaya naman tuwing umuuwi siya ng madaling-araw, umiiyak na lang siya dahil miss na miss niya si Baby Zia.

Pero once na tumabi na sa kanya ang anak, napapawi na raw ang kanyang lungkot.

“Sasabihin na lang ng asawa ko, ‘It’s okey matatapos din.’ So, pag ganu’ng nagsalita na siya, okay na ako,” sey niya.

Hindi ba siya kinakalabit ni Dong pag umuuwi siya nang madaling-araw? “Ay, ano ba ‘yan? Wholesome ang show ko! Pero hindi na niya kailangang mangalabit! Ayyyyy!” tawa nang tawang sey ni Marian.

Sa Super Ma’am, mas marami pang characters na aabangan ang manonood at very soon ay mababago na rin ang costume niyang na mas seksi kesa sa kasalukuyan niyang suot bilang si Super Ma’am.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending