MARAMI ang naangasan (at natawa) sa paandar ni Sen. Koko Pimentel na makokopo ng mga kandidato ng kanyang partidong PDP-Laban ang 12 posisyon para sa Senate midterm elections sa 2019.
Aba’y kailangan painumin ng malamig na tubig at tapatan ng electric fan itong si Koko para tumigil sa kanyang mga pagpapabibo dahil sa totoo lang ay puro mga da-who ang nasa tiket nila.
Hindi porke nasa kanila ang impluwensya, makinarya at ang basbas ni Pangulong Duterte ay tiyak na ang kanilang panalo.
Matimbang pa rin sa mga botante ang popularidad — ‘yung kilala nationwide at hindi lang sa probinsya na kanilang pinagmulan — ng isang kandidato.
At ikinalulungkot naming sabihin pero da-who sa maraming Pilipino ang mga pangalang Benitez, Tolentino, Nograles, Roman at Fariñas.
Kumpara sa mga pangalang iyan, hands down na mas malaki ang pag-asa na manalo nina Sen. Grace Poe, Nancy Binay at Sen. Cynthia Villar, mga re-electionists; Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, at mga news personalities na sina Karen Davila at Jessica Soho na malakas ang bulung-bulungan na may plano ring tumakbo sa 2019.
Oo, Sen. Koko, girl-power ang magpapataob sa iyo at sa mga kandidato mo. Promise po ‘yan.
Aber, sino ang pwede mong itapat sa girl power na ’yan, na hindi lang may integridad at prinsipyo, maututuring ding superstar sa kanilang mga larangan.
***
Totoo naman na kailangan ng major shakedown sa Senado, na matagal nang itinuturing na bastion ng mga kalalakihan.
Ang “girl power” ng anim na nabanggit na pangalan ang sagot para sa isang paradigm shift.
Tiyak na mas magiging matino ang Senado at mas maraming trabaho ang matatapos kung mas maraming babae ang iluluklok doon.
Ayon sa pag-aaral, “mayroon umanong partikular na talento ang mga babae sa trabaho kasama ang iba — marami ang kolaborasyon, konti ang intriga; maraming problema ang nasosolusyunan, konti ang ego; marami ang pinagkakasunduan, konti ang kampihan.”
Isa pa. Sino pa ang mas maayos na hihimay sa mga tinaguriang “women’s issues,” gaya ng edukasyon, kalusugan, LGBTQ, child care, arts and entertainment, etc. kundi ang mga babaeng mambabatas mismo?
’Girl power’ kailangan sa Senado
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...