‘Nakakabwisit na si Xander Ford! Nag-sorry nga may sablay na hirit naman!’

SABLAY na naman si Xander Ford sa latest na sinabi niya nang mabuking na siya talaga ang nasa video na nagsabing sakang si Kathryn Bernardo kaya di puwedeng mag-number one sa isang sexy magazine.

But you know, di pa siya Xander Ford noon. Marlou Arizala pa lang siya that time. Ang siste lang, chakang Marlou pa lang siya pero mapanlait na talaga. Nasa ugali na yata talaga nitong si Marlou or Xander ang pagkamayabang. Nakita ko rin kasi ang video nu’ng sinabi niyang sakang si Kathryn — maangas ang pagkakasabi niya, hindi constructive criticism kumbaga.

Hindi ‘yung tipong pa-fun-fun lang. Na wari mo’y kamukha siya ni Leonardo DiCaprio sa kaguwapuhan pero, gosh! Parang weird na tikbalang naman ang fez. No offense meant ha, pero pag chaka ang nagyabang, lalo siyang chumachaka.

Nag-apologize na nga si Xander pero may mali — may sablay na naman sa kanyang statement. Sabi niya tutulungan daw niya ang KathNiel para lalong gumaling. Gumaling saan? Sa acting? Bakit? Award-winning actor ka ba, Xander? Nagtuturo ka ba sa acting workshop? Director ka ba? Hoy, ano ka? Sagot!!!
Nakakaloka ang taong ito, kung anu-ano ang pinagsasasabi. Puwede na nga siyang mapatawad sa sinabi niya about Kathryn dahil di pa naman siya Xander Ford that time — Marlou Arizala pa lang siya at maaaring nagbago na ngayon. Di pa pala. Lalong lumala yata.

Nagkahitsura lang nang konti tumaas na ang ere. Ano ba iyan? Parang sinasadya na yata niya ang huwag mawala sa front pages ng newspapers kaya kung anik-anik na kabulastugan ang pinaggagawa mapag-usapan lang.

Nakakabuwisit na rin siya at times, ha. Pag di kami nakapagpigil, di na rin namin babanggitin name niya tulad ng ibang colleagues natin.

Read more...