Barbie, Ken todo harutan, landian at lambingan sa mall

BARBIE FORTEZA AT KEN CHAN

MAINIT na mainit ang pagtanggap ng publiko kina Barbie Forteza at Ken Chan sa mall shows na kanilang pinuntahan nitong weekend para sa movie tour ng kanilang pelkilang “This Time I’ll Be Sweeter.”

Nasabik ang fans nilang dalawa na makita silang naglalambingan, naghaharutan at nagpapakilig dahil ilang buwan na rin natapos sa ere ang GMA series nilang Meant To Be.

Hindi naman mabibigo ang KenBie fans at tumatangkilik sa magandang pelikula sa “TTIBS” dahil soaring high sina Barbie at Ken sa kanilang roles na hindi lang saya, tuwa at kilig hatid sa unang sabak sa big screen kungdi pati na rin luha dahil sa madadramang eksena sa pelikula.

Read more...