JM nagpakita ng ebidensya: 2 taon nang magaling at malinis

PWEDENG-PWEDE na uling bumalik sa mundo ng showbiz si JM de Guzman. Ito’y matapos ngang ibalita ng aktor na nakumpleto na niya ang kanyang two-year rehabilitation program.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni JM ang nakuha niyang certificate bilang patunay na magaling at malinis na siya sa kahit anong uri ng droga.

Pinatutunayan sa nasabing certificate na si JM ay, “achieved one year in the Therapeutic Community program and for his determination to produce a substance free lifestyle.”

Nagkomento naman ang kaibigan at dating leading lady ni JM sa blockbuster movie na “That Thing Called Tadhana” na si Angelica Panganiban at sinabing miss na miss na niya ang binata.

Read more...