Isang bagong bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong araw.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang bagyo na may international name na Lan ay tatawaging Paolo pagpasok nito sa PAR.
Bago magtanghali noong Lunes ang bagyo ay nasa layong 1070 kilometro sa silangan ng Surigao City. Ngayong umaga ito ay inaasahang was allaying 800 kilometro sa silangan ng Surigao City.
May hangin ito na umaabot sa 65 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 80 kilometro bawat oras.
Sa pagtataya ng PAGASA ang bagyo ay hindi magla-landfall kung magpapatuloy ang pag-usad nito ng 11 kilometro pakanluran-hilagang kanluran.
Inaasahan naman na magdala ng pag-ulan ang bagyong ito.
MOST READ
LATEST STORIES