Telemovie nina Alden at Maine sa ‘Bulaga’ pambawi sa nagtatampong AlDub nation

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

TWINNING ang drama nina Alden Richards at Maine Mendoza sa suot nilang couple pink shirt sa Eat Bulaga last Saturday.

Next week, 2nd year na ng “Tamang Panahon” na sumira ng record sa TV ra-tings at Twitter world. Bilang selebrasyon, isang telemovie na produced ng Eat Bulaga ang handog nila sa manonood at sa lahat ng AlDub Nation.

Ipinakita sa noontime show ang poster ng telemovie na Love Is… kung saan magkayakap sina Alden at Maine. Sa hashtag naman na #ALDUBMRandMRS nakadisplay na roon ang iba’t ibang poses ng kanilang mga idolo.

Mula sa direksyon ni Adolf Alix, Jr. ang Love Is… at mapapanood na sa Oct. 21 episode ng Eat Bulaga. Siyempre tuwang-tuwa ang ADN sa handog na ito ng EB para sa 2nd anniversary ng “Tamang Panahon.”

Read more...