IPIT na ipit kami sa mga nag-uumpugang bato kapag may laro ang Barangay Ginebra. Lalo na ngayong kampeonato na ang pinaglalabanan nila ng Meralco Bolts ay dalawang TV na siguro ang kailangan naming panooran.
Kung nakapagsasalita lang ang remote control. Hilung-hilo na kasi ang aparato sa pagpapalipat-lipat namin ng istasyon. Kapag commercial sa PBA ay lipat muna kami sa ABS-CBN.
Hanggang kaya ng a-ming panahon ay tuhog naming tinututukan ang mga seryeng Ang Probinsyano, La Luna Sangre at The Good Son. Wala ka-ming pinalalampas na episodes nila.
Makabuluhan ang takbo ng seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin, painit naman nang painit ang daloy ng istorya ng La Luna Sangre na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, at gustung-gusto namin ang acting na parang cool na cool lang ni Joshua Garcia sa The Good Son.
May gusto kaming itanong kay Ogie Naravaez Rodriguez, isang malapit na kaibigan ng pamilya Bernardo, tungkol sa kung sino ang nagme-make-up kay Kathryn sa serye.
Huwag na sana itong palitan, sana’y ito na ang humawak kay Kathryn sa lahat ng mga aktibidad ng young actress, dahil ang ganda-ganda niya sa lahat ng anggulo.
Bukod sa may mga mata na sa pag-arte si Kathryn Bernardo ay panalung-panalo ang kanyang itsura sa lahat ng anggulo. Gandang-ganda kami sa napakasimpleng ganda ng batang aktres na ito.
Natural na natural, hindi pilit, hindi basta produkto lang ‘yun ng make-up.