Babala ni Dennis kay Joshua: Wag na wag mong sasaktan o lolokohin ang anak ko!

MAGANDA ang first impression ni Dennis Padilla kay Joshua Garcia, ang rumored boyfriend ng kanyang anak na si Julia Barretto.

Nagkakilala na ang dalawang lalaki sa buhay ni Julia at okay naman daw ang una nilang pagba-bonding.

In fact, pinuri pa nga ni Dennis ang isa sa mga bida ng seryeng The Good Son dahil sa pagiging gentleman nito.

“Sabi ko sa kanya, ‘Wala naman akong problema sa iyo. Kahit na ngayon lang kita nakilala ay pinagtanong-tanong na kita. And you are a very good man,” ang chika ni Dennis sa isang panayam.

“Pero dagdag ko, ‘Huwag mo lang sasaktan o lolokohin iyong anak ko. Comedian ako pero kapag ginawa mo iyon, magiging action star ako,” ang pagbabanta naman ni Dennis kay Joshua nang mag-guest siya sa Tonight With Boy Abunda kamakailan para mag-promote ng una niyang pelikula bilang direktor, ang “The Barker” showing on Oct. 25 nationwide.

Ayon pa sa direktor ng bagong pelikula nina Empoy Marquez at Shy Carlos na “The Barker” under Viva Films, niregaluhan na rin siya ni Joshua noon kahit walang okasyon. “Oo, pinadalhan niya ako ng alak. Marunong din yung bata.”

q q q

Speaking of Joshua Garcia, patuloy na tinututukan ng madlang pipol ang primetime series niya sa ABS-CBN, ang The Good Son kung saan nakikipagtagisan ng ga-ling sa akting ang binata sa mga award-winning veteran actors.

Mas magiging palaisipan ang bawat gabi ng mga manonood ngayong madidiin ang ina ni Joseph (Joshua) na si Racquel (Mylene Dizon) sa kaso ng pagkamatay ng kanyang ama.

Isang dokumento ang nakuha ni SPO1 Colmenares (Michael Rivero) kung saan nakalahad ang cri-minal record ni Racquel at nagpapakitang mayroon siyang taong pinagtangkaan ng buhay sa kanilang probinsya. Dahil dito, madidiin siya bilang suspek at uungkatin ang kanyang nakaraan na maaaring magpatunay sa kaugnayan niya sa pagkamatay ni Victor (Albert Martinez).

Mas sumisikip naman na ang mundong ginagalawan nina Joseph at Enzo (Jerome Ponce) ngayong parte na sila ng iisang basketball team. Lalo ring uminit ang kanilang bangayan matapos pagbintangan ni Enzo si Joseph na sumira sa kanyang kotse, kaya naman mas maraming tao na ang humuhusga sa pagkatao niya.

Dahil sa kaguluhang dala ng pangalawang pamilya ni Victor, hindi naman titigil si Olivia (Eula Valdez) na maalis sila sa kanilang buhay at lalo pang patutunayang sila ang may sala sa krimeng nangyari sa asawa.

Si Racquel na nga ba ang hinahanap na suspek sa pagkamatay ni Victor? Paano malalabanan ni Joseph ang panghuhusga ng iba sa kanyang pagkatao?

Huwag palampasin ang kakaibang kaso ng pagmamahal para sa pamilya sa The Good Son, gabi-gabi pagkatapos ng La Luna Sangre sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

q q q

Bukod kay Joshua Garcia, umaani rin nga-yon ng papuri si Jerome Ponce dahil sa pagiging magaling na kontrabida sa The Good Son. Inis na inis sa kanya ngayon ang mga manonood bilang si Enzo, ang panganay na anak ni Olivia kay Victor.

In fairness, ang laki na ng improvement sa acting ni Jerome, pwedeng-pwede na siyang i-groom ng ABS-CBN bilang lea-ding man na bida-kontrabida ang peg tulad ni Jake Cuenca na nagbibilang na ngayon ng best actor awards.

Bukod dito, isa pa sa mga inaabangan ng vie-wers sa TGS ay ang tambalan nina Elisse Joson at Mccoy de Leon, ang pampa-good vibes ng serye dahil sa kanilang nakakatuwa at nakaka-kilig na eksena.

Read more...