Klase at pasok sa tanggapan ng gobyerno suspendido bukas dahil sa transport strike

INIHAYAG ng Palasyo na suspendido ang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa at maging sa mga tanggapan ng gobyerno bukas dahil sa inaasahang malawakang transport strike.

“Classes at all levels, both public and private and government work, nationwide, will be suspended for tomorrow, October 16, 2017,” sabi ni Communications Secretary Martin Andanar.

Niliwanag naman ni Andanar base sa direktiba ni Executive Secretary Salvador Medialdea, nasa desisyon naman ng pribadong sektor kung isususpinde ang pasok sa kani-kanilang tanggapan.

“As to suspension of government, we shall issue the usual memorandum circular,” ayon pa kay Andanar.

READ NEXT
‘Failon Ngayon’ pinaligaya ang mga lola sa GRACES
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...