SINAMAHAN ni Ria Atayde ang pinsang si Coleen Garcia sa New York City, USA para sa meeting nito sa fashion designer na tatahi ng wedding gown na kanyang isusuot sa kasal nila ni Billy Crawford sa 2018.
Bukod sa magpinsan ay bestfriends din sina Ria at Coleen, sa katunayan kapag may problema ang isa sa cast ng seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin ay parating nakikinig ang anak ni Sylvia Sanchez kaya hindi nagdalawang isip ang future wife ni Billy na kuning maid of honor ang kanyang cousin.
Ayon kay Ria, 10 araw sila ni Coleen sa New York kung saan nakipagkita na rin sila sa ibang kaibigan na naka-base na rin doon.
Post ni Ria sa kanyang Instagram account, “This trip has been nothing short of interesting from being followed by sketchy people, to getting excited re the next meal to missing our flights and still having smiles on our faces. My maid-of-honor skills were really put to the test. Hahahaha!
“Thank you @coleen for experiencing all of those firsts with me. I am extremely grateful to have had this (possibly) last trip with you as a single woman. And well, I’m now looking forward to our future trips with @billycrawford as our third wheel.”
Hindi kasama si Billy sa US kaya sobrang na-miss ng binata ang dalaga kaya naman pagbalik nito sa bansa ay sobrang saya ng Little Big Shots host.
“I’m so happy that my love, fiancée is back home in my arms! Was jealous of NY already. Damn you Yankee! Love you so so much and missed you like banoodles. Hahaha! Straight to taping from the airport. #Galing! Hahahaha,” post ni Billy sa kanyang IG.
Samantala, kinailangan na ring bumalik ni Coleen ng Manila dahil may taping pa siya ng Ikaw Lang Ang Iibigin at mula airport ay dumiretso na agad siya sa set.
Base sa tumatakbong kuwento ngayon ng ILAI ay alam na ni Roman (Michael de Mesa) na hindi niya anak si Carlos (Jake Cuenca) kaya nag-iimbestiga na siya, ang nasa isip niya baka si Gabriel (Gerald Anderson) ang tunay na anak niya.
Si Isabel (Coleen) ang may hawak ng sikreto ni Carlos kaya may alas pa siya para ipaglaban ang kanyang pagmamahal sa binata.
q q q
May bagong alay ang 1993 Awit Awardee na si John Melo para sa mga kababayang OFW, ito ang ang kantang “Malapit Na Ang Pasko” na pinatutugtog na ngayon sa Visayas at Mindanao.
Aniya, “As a gift and sense of gratitude for my 25th year anniversary in Music, alay ko itong Malapit Na Ang Pasko for OFWs and all Filipinos. This is composed by multi-awarded song-writer Jimmy Borja.
“Happy ako kasi excited ang mga kababayan nating Pinoy diyan sa Pilipinas, same here in US na OFW naman dahil ‘yung lyrics ng Malapit Na Ang Pasko ay sakto sa kanila kasi nami-miss nila ang loved-ones nila diyan sa Pinas.
“Patutugtugin na ‘yung kanta ko sa Cebu this week at sa Energy FM naman nag-start na rin i-play. Maganda ang feedback, nakakatuwa kasi maski wala ako diyan, naalala ako dahil sa kanta ko,” kuwento ni John.
At kung hindi magbabago ang plano ay uuwi ng Pilipinas si John sa unang linggo ng Nobyembre para sa promo ng “Malapit Na Ang Pasko” bukod pa sa planong pagdalaw sa kanyang pamilya at pakikipagkita sa kanyang loyal fans pagkalipas ng 25 years.
Si John ay proud owner ng Gorgeous Smile dental offices sa Newark at San Jose, California katuwang ang asawang si Precilyn Silvestre-Melo. Isa rin siyang Real Estate planner sa Keller Williams Realty Danville.
Pangarap ni John na maging paboritong Christmas song din ng mga Pinoy ang “Malapit Na Ang Pasko” tulad din ng “Christmas In Our Hearts” na paborito rin niyang pakinggan dahil idol na idol niya ang singer nitong si Jose Mari Chan.
Available na ang “Malapit Na Ang Pasko” sa Spotify, YouTube at Facebook account ni John Melo at sa website niyang www.johnmeloofficial.com.
Type mo ba siyang i-guest sa TV/radio program mo, bossing Ervin? (Why not Reggs? Marami kaming listeners and viewers mula sa iba’t ibang panig ng universe! Siguradong maraming OFW ang makaka-relate sa kanta ni Papa John! – Ed)