Direk Maning Borlaza bahagi ng tagumpay nina Vilma at Mega

MALUNGKOT ang balitang natanggap ni Cong. Vilma Santos-Recto the other day.

Namatay na ang matalik na kaibigan/adviser na writer-director na si Emmanuel Borlaza na mas kilala bilang Maning sa showbiz.

Huli silang nagkita sa burol ng movie critic na si Mario Hernando sa Mt. Carmel Q.C.. Nagpapatulong si Ate Vi kay direk na makakuha ng kopya ng ginawa nilang pelikula noon “na Dama de Noche.”

Memorable kay Cong. Vi ang pelikula dahil ito ang unang nagbigay sa kanya ng unang Best Actress award sa FAMAS.

“My! Enough of sad news!” bahagi ng text sa amin ni Cong. Vilma.

Napag-usapan din nila sa wake ang ginawa nilang “Lipad, Darna, Lipad”. Halos lahat din ng screenplays ng movie niya ay si Maning ang sumulat. But most of all, naging adviser din niya ang director nung panahong batbat siya ng problema.

“Sad news. Kung saan man ako ngayon at status ng career ko…recognitions na nakukuha ko…malaki ang parte niyan si direk Maning Borlaza!” pasasalamat ni Ate Vi.

Nagbigay pa nga ng trivia si Cong. Vilma sa namayapang director, “Siya ang director na may pinakamagandang legs!!! Alam niya yan at ipinagmamalaki niya!!! Salamat Jun!” saad pa ni Ate Vi.

Ayon sa ilang malapit na kaibigan, ibuburol ang labi ni direk Borlaza sa Loyola Parañaque.

Bukod kay Ate Vi, malaking parte rin siya ng movie career ni Sharon Cuneta dahil siya ang director ng blockbuster movies ng Megastar na “Bituing Walang Ningning” at “Bukas Luluhod Ang Mga Tala.”

Read more...