Palasyo binawi ang 24-oras na ultimatum ni DU30 vs European Ambassadors

BINAWI ng Palasyo ang 24 oras na ultimatum na naunang ibinigay ni Pangulong Duterte para umalis ang mga Ambassador ng mga bansang kasapi ng European Union.
Sa isang briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Erneso Abella na nakatakdang klaruhin ni Duterte ang kanyang naunang pahayag.
“I’m sure these things are being clarified to… directly to persons concerned,” sabi ni Abella.
Idinagdag ni Abella na gumagawa na ng hakbang ang gobyerno para liwanagin sa mga kaukulang Ambassador ang naging banta ni Duterte.
“I suppose all venues will be exhausted regarding that matter,” ayon pa kay Abella.
Sa kanyang talumpati sa Malacanang, binigyan ni Duterte ng isang araw ang mga EU Ambassador na lisanin ang Pilipinas matapos ang banta na tatanggalin ang Pilipinas bilang miyembro ng United Nations (UN)

Read more...