Pagdinig sa graft cases ni Revilla sisimulan sa susunod na taon

 Sisimulan na ang pagdinig sa 16 na kaso ng katiwalian na kinakaharap ni dating Sen. Ramon Bong Revilla Jr., kaugnay ng pork barrel fund scam sa Enero 11, 2018.
    Sa pagdinig kahapon, pinagsusumite na ni Sandiganbayan Associate Justice Efren
Dela Cruz, chairman First Division, ang prosekusyon at depensa ng kanilang mga pre-trial brief na naglalaman ng mga ebidensya at testigo.
    “We will give the parties 10 days to check if you have already submitted soft copies,”  ani dela Cruz.
      Bukod sa kasong graft, si Revilla ay nahaharap din sa kasong plunder, isang non-bailable offense.
      Si Revilla ay tumanggap umano ng P224 milyong halaga ng kickback mula sa mga non government organization ni Janet Lim Napoles. Siya ay nakakulong sa Custodial Center ng Philippine National Police sa Camp Crame sa Quezon City.

Read more...