Maja kabogera, laging trending sa Wildflower

JOSEPH MARCO AT MAJA SALVADOR

KASABAY ng pasabog na pagbabalik ni Maja Salvador bilang si Lily Cruz sa seryeng Wildflower ay ang pasabog rin na ratings na natamo ng episode noong Lunes dahil pumalo ito sa panibago nitong all-time high national TV rating na 33.8% base sa datos ng Kantar Media.

Talaga namang tinutukan ng sambayanan ang paglantad ni Lily Cruz sa mga Ardiente matapos ang matagal na pagkubli sa katauhan ni Ivy Aguas.

Trending sa Twitter hindi lang nationwide, kung hindi pati na rin worldwide, ang agaw eksenang entrada ni Lily suot ang gold na gown at may resbak pang armadong mga kalalakihan. Hindi pa natapos ang pangangabog ni Lily dahil nagbitaw rin ito ng matatalas na salita kontra sa mga Ardiente kasama na ang pinag-usapan niyang linya na “Black is out. Gold is in. And just like gold, I am indestructible!”
Ngayong nagbalik na muli si Lily Cruz, paano kaya haharapin ng mga Ardiente ang kanyang paghihiganti? Huwag palalampasin ang Wildflower, bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN.

Read more...