Isabela niyanig ng magnitude 4.1 lindol

 
Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4.1 ang Isabela ngayong araw.
    Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol ala-1:36 ng hapon. Ang sentro nito ay 16 kilometro sa silangan ng San Pablo at may lalim na 22 kilometro.
    Nagdulot ito ng Intensity III paggalaw sa Tuguegarao City.

Read more...