Mga Laro Ngayon
(Filoil Flying V Centre)
2 p.m. Arellano vs Perpetual
4 p.m. St. Benilde vs EAC
Team Standings: *Lyceum (16-0); *San Beda (15-1); *JRU (11-6); Letran (8-8); Arellano (7-9); San Sebastian (7-9); EAC (6-10); Perpetual Help (4-11); St. Benilde (3-13); Mapua (3-13)
* – semifinalists
POSIBLENG hindi makasama ng Arellano University Chiefs si Kent Salado sa pagsagupa sa University of Perpetual Help Altas ngayon sa importanteng laban na magdedetermina kung makatutuntong o hindi ito sa Final Four ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament sa Filoil Flying V Centre, San Juan City.
“I hope he (Salado) plays but he’s 50-50 for now,” sabi ni Arellano coach Jerry Codiñera. “But if he can’t play, we just have to be ready.”
Si Salado, na nangunguna sa liga sa scoring at assist sa kabuuang 19 puntos at limang assist at katabla sa ikaapat na puwesto sa steals na may 1.3 kada laro, ay posibleng hindi makalaro para sa Chiefs sa ganap na alas-2 ng hapon na salpukan kontra Altas matapos masaktan ang kanang hita sa 85-79 panalo sa San Sebastian College Stags nitong Martes.
Hindi pa madetermina hanggang sa kasalukuyan kung hanggang saan ang natamong injury ni Salado subalit nauna nang kinunsidera na isa itong hyperextended leg.
Nasa balag ng alanganin ang Arellano, na may 7-9 record, na kinakailangan na maipanalo ang lahat ng laro upang lalo pang makadikit sa nasa No. 4 na Letran Knights, na may 8-8 panalo-talong karta.
“We have no choice but to win, that’s the only way to make it to the Final Four,” sabi ni Codinera, na makakaharap sa Martes ang Mapua.
Si Salado lamang ang inaasahan ng Arellano dahil sa ginagawa nito ang halos lahat para sa Chiefs sa pangunguna nito sa puntos sa average na 19 at sa assists (5) habang table sa No. 4 sa steals (1.3).
Gayunman, umasa ang Chiefs kina Levi dela Cruz at Richard Abanes na naging bayani para sa Arellano noong masaktan si Salado para agawin ang panalo.
Pilit naman pagagandahin ng Emilio Aguinaldo College Generals, na bitbit ang 6-10 kartada, ang kanilang kartada sa pagsagupa sa College of St. Benilde Blazers, na may 3-13 rekord, sa ganap na alas-4 ng hapon.