Makapag-immigrant ba sa Canada? | Bandera

Makapag-immigrant ba sa Canada?

Joseph Greenfield - June 16, 2013 - 01:51 PM

Sulat mula kay Nestor ng Calagundina, Mati, Davao Oriental
Dear Sir Greenfield,
Matagal na naming pangarap ng misis ko na makapag-immigrant sa Canada, kaya naman sumubok kaming mag-aplay, kahit na may trabaho naman kami sa ngayon, kaya lang maliit ang aming kinikita. Sa ngayon may tumutulong naman sa amin, yong pinsan ko na matagal ng naninirahan duon ang kanilang pamilya. Naisipan ko lang pong sumangguni sa inyo upang itanong kung may pag-asa ba kaming matuloy ngayong taong ito ng 2013. Kumpleto na po kami ng mga papeles at requirement interview na lang po ang hinihintay namin. July 2, 1969 ang birthday ko at September 10, 1974 naman ang misis ko.
Umaasa,
Nestor ng  Davao
Oriental   
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapwa may malawak at malinaw namang Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa palad nyo ng misis mo. Ibig sabihin sa takdang panahong ang kapalaran ang naglaan, maa-aprove din ang aplikasyon nyo sa Canadian embassy, kung saan, una kang makaka-alis, habang kapag nandon ka na, mga isang taon ang lilipas saka mo naman makukuha si misis at ang inyong mga anak upang ang buong pamilya ay tuluyan at ganap ng makapanirahan sa Canada.
Cartomancy:
Queen of  Diamonds, Three of Diamonds at Ace of Diamonds, ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing suwerte ka sa iyong misis, at susuwertehin ka rin sa tulong ng isang babaing mayaman, na maaaring sa kasalukuyan ay nasa Cananda na, kung saan, malaki ang pag-asawa sa last quarter ng taon ding ito ng 2013, may paglalakbay na itatala sa
iyong kapalaran.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending